Saturday, May 21, 2011

Wattaday....

Mga 1230 AM na ako nakauwi kagabi dahil sa may Sev 1 ako madami pa ako tinapos... Nung pauwi na ako naka-20 bus na papunta Malanday ang dumaan pero wala parin dumadaan na SM Fairview kahit isa... Sabi nga nila ay " Patience is a virtue". Makalipas ng halos kalahating oras na nakatayo at nagaantay ng bus papuntang SM Fairview, may biglang dumaan na Jayross na bus at Tungko pa ang biyahe (sa isip ko buti nagantay ako..hehehe). Dahil sa sobrang gabi na nagsabay kami ni Angel... So magkasama na kami sa bus na sinakyan ko... Pagdating ng bankers biglang tumigil yung bus, yun pala walang galawan talaga dahil sa ginagawa na naman na kalsada... Dahil sa traffic na yan, nakatapos kami ng dalawang movie sa bus at nagsimula pa ulit ng bagong movies si manong... Isipin mo imbis na 10-15 minutes nalang ang biyahe simula dun hanggang samin naging 2 hours travel time pa...hanep... sakit nyo sa bangs... hahaha... Sa wakas umandar din ang bus at nakarating kami sa bahay ng 4 AM. At saktong 7:00 AM nagising na ako... waah... Kumain ng almusal simula 7:30 to 8:30, pagkatapos kumain nag-ayos na dahil pupunta Trinoma kasama si Beb... 9:30 AM nasa biyahe na ako at dahil sa traffic na yan, after an hour dun palang ako nakalampas sa ginagawang kalsada... So ang aga aga palang wasted na ako... Kumain ng lunch sa trinoma kasama si Beb, bumili sa sale ng skullcandy... At dahil sa inggitera ako siyempre bumili din ako... Tapos pumasok na sa work, ngayon nagaantay ako ng 6PM kasi sabi nila judgement day na... 9 minutes to be exact... Ngayon antok na antok na ako... Pwede ba matulog???  So yan ang masilumuot kung araw ng sabdo pero special ito araw na ito dahil wedding anniversary nila mama at papa... gagawin ko nalang mag-iisip ng good vibes para laging happy... :))

No comments:

Post a Comment